Olympian Ian Larriba may leukemia

MANILA, Philippines — Nangangailangan ng tulong si Rio Olympics flag-bearer at table tennis champion Ian Larriba sa kaniyang pakikipaglaban sa leukemia.

Sa isang pahayag, sinabi ng pamilya ni Larriba na sasailalim ang atleta sa gamutan para sa acute myeloid Leukemia.

Nangangailangan ng blood type O si Larriba na maaaring ibigay sa St. Luke's Medical Center Quezon City Blood Bank.

Produkto ng De La Salle University si Larriba na walang natalong laro sa limang taon niya sa UAAP.

Kinilala bilang Rookie of the Year noong Season 74 at tatlong beses pinangaralan bilang MVP, habang dalawang beses kinilalang UAAP Athlete of the Year.

Sa kaniyang galing ay nakapasok siya sa 2016 Rio Olympics matapos lusutan ang Asian qualification tournament sa Hong Kong.

Show comments