Hawks inilaglag ang Celtics

ATLANTA-- Nadiskaril ang Boston Celtics sa mu­ling pagdikit sa Cleveland Cavaliers para sa top spot sa Eastern Conference.

Ito ay matapos talunin ng Hawks ang Celtics, 123-116  sa likod ng pa­ngu­ngu­na ni Paul Millsap sa Philips Arena sa Georgia.

Kumolekta si Millsap ng 26 points at 12 rebounds para tulungan ang Atlanta sa 40-38 kartada at ungusan ang Milwaukee Bucks para sa fifth place.

Ito ang ika-19 double-double ni Millsap at ipinakitang nakabangon na siya mula sa isang left knee problem.

Nagdagdag si Tim Har­daway ng 23 points, samantalang tumipa ng career-high na 20 markers si Taurean Prince kasunod ang 18 points ni Dennis Schroder para sa Hawks.

Dahil naman sa kabiguan ay nalaglag ang baraha ng Boston sa 50-29 para sa second spot sa likod ng reigning NBA Finals champions na Cleveland na may 51-27 marka at nakatutok sa pag-angkin sa first place.

Pinangunahan ni guard Isaiah Thomas ang Celtics sa kanyang 35 points kasunod ang 24 markers ni Jae Crowder.

Sa Washington, kinuha ng Wizards ang 106-103 panalo laban sa New York Knicks para tumabla sa third spot sa East.

Sa Chicago, pinalakas ng Bulls ang kanilang tsansa sa playoffs matapos ilista ang 102-90 tagumpay laban sa Philadelphia.

 

Show comments