Top age-groupers papagitna sa PPS CdO netfest

MANILA, Philippines – Papagitna ang mga top age groupers sa Visayas at Mindanao sa paghataw ngayon ng Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala Butuan Cagayan de Oro regional tennis tournament sa Na­zareth Tennis Club.

Humigit-kumulang sa 250 entries ang maglalaro sa siyam na age categories para pag-agawan ang karangalan at ranking points sa Group 2 tournament na itinataguyod ng Palawan Pawnshop at inihahandog ng Slazenger.

Pamumunuan nina Sultan Kudarat bet Vince Tugade, Ramon Bentillo at Minette Bentillo kasama sina Gen. Santos City netter Klyde Lagarde, Mlang, Cotabato players Tennielle at Jazzele Madis, Reyman Saldivar Jr. ng Kabacan at mga Davaoeños na sina John David Velez, Patricia Velez at Danna Abad ang mga seeded entries sa event na nagsisilbing fourth leg ng 58-stage circuit na inorganisa ng nangungunang pawnshop at remittance center.

Paparada naman ang magkakapatid na Steven, Renest at Christopher Sonsona at Brent Cortez para sa kampanya ng Tubod, Lanao, habang aasahan ng Oroquieta sina Nash Agustines, Sidney Enriquez at Heinz Carbonilla ng Zamboanga sa kani-kanilang dibisyon.

Sasabak din sa aksyon sina local bets Jonnelle Llavore, Gennifer Pagente, Aubrey Calma at Casey Padilla at sina Allain Ocat, Khenz Justiniani of La Carlota ng Ormoc at San Carlos, Negros bet Bliss Bayking sa five-day tournament na suportado ng bagong sponsor na Asiatraders Corp. at may basbas ng Philta.

Show comments