‘Di kilalang cockers bumabandera sa World Slasher Cup

MANILA, Philippines - Binanderahan ng mga hindi kilalang cockers na sina Max Benedicto ng Ilocos Sur at lawyer Amante Capuchino ng Bataan ang 2017 World Slasher Cup Invitational 9-Cock Derby na pakakawalan ang kanilang ikaanim na araw ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagposte ang Wapato Boys ni Benedicto at ARC Farms ni Capuchino ng tig-limang panalo sa semifinal round noong Huwebes para makapasok sa grand finals sa Pebrero 1.

Naglista naman si Joey Melendres ng Australia (Swerteng Anak) ng 4.5 points para makaabante sa grand finalists.  Sa 93 partisipante ay 10 ang nagtala ng 4 points.

Ang mga ito ay sina Soan Sogianto ng Indonesia, Carlos Martinez ng Texas, Lito Guerra, Doc Ayong Lorenzo, Harold Ramos, James Uy, Jun Bacolod, Mayor Rex Bernardez, Boyet Legazpi, Paolo Malvar at Boy Marzo.

Pakakawalan ngayon ang ikatlong semis round ng 2017 World Slasher Cup na suportado ng Thunderbird, B-Meg, Petron at Excellence Poultry and Livestock Specialists kasama ang Pit Games Media Inc. bilang media partner.

Ang 2017 WSC ay muling pinamamahalaan ng Pintakasi of Champions. 

Show comments