Heavy Bombers naka-buwenamano sa Dragons

MANILA, Philippines – Nalusutan ng Jose Rizal  University ang Blustar Detergent, 75-64 upang mahablot ang kanilang unang panalo sa 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nasandalan ng Heavy Bombers si Teytey Teodoro na kumana ng krusyal na walong puntos sa huling sandali ng laro upang maitakas ang panalo laban sa Dragons na binubuo ng Malaysian youth team.

Kumulekta ng kabuuang 20 puntos si Teytey mula sa impresibong 4-of-7 shooting clip sa three-point area habang humatak din ito ng pitong rebounds sa pambuenamanong panalo ng Jose Rizal.

“Hindi maganda ang start namin. Sinabi ko sa mga bata na gagawa ng adjustments ang Blustar after their opening game loss,” wika ni Jose Rizal head coach Vergel Meneses.

Nagdagdag naman si Jhaps Bautista ng 18 puntos kabilang ang 12 mula sa three-point territory kasama pa ang anim na rebounds at apat na assists para sa Heavy Bombers.

Show comments