Xavier at Holy Child of Davao hari sa regional

MANILA, Philippines - Pinitas ng Xavier School University at Holy Child of Davao ang Min­da­nao championship trophy matapos maghari sa re­gional finals ng SBP-Pas­serelle, ang pinakamala­king twin tournament sa bansa.

Naglalaban ang Xavier School University, Ateneo de Davao at Ferndale Inter­national School sa round ro­bin sa SBP Tournament.

Sa huli ay ang Xavier School University at Ateneo de Davao ang naglaban sa finals kung saan nanaig ang  una sa pamamagitan ng three-point win, 56-53.

Naging mabigat din ang bakbakan sa Passerelle Tournament kung saan si­nikwat ng Holy Child of Da­vao at Southern City Colleges ang tiket sa championship game.

Tinalo ng Holy Child of Davao ang Southern City College, 80-37, habang pu­mangatlo ang Corpus Christi School.

Ang Sportsmanship award ay ibinigay sa Sou­thern City Colleges para sa Passerelle tournament at ang Ferndale Internatio­nal School para sa SBP Tournament.

Ang iba pang regional playoffs ay idaraos nga­yon at bukas sa Baguio City para sa Luzon at sa Nob­yembre 19-20 sa Ro­xas City para sa Visayas.

Show comments