Leonard humataw sa panalo ng Spurs

Akmang susupalpalin ni DeMarcus Cousins ng Sacramento si Kawhi Leonard ng San Antonio.

SACRAMENTO, Ca­lifor­nia-- Tinapik ni Kawhi Leonard ang bola kay Ben McLemore na nagresulta sa kanyang three-point play.

Muling inagaw ni Leo­­­nard ang bola kay McLemore para sa kanyang ikalawang sunod na basket.

“He took two away in a row and said, ‘Gimme that.’ He just grabbed it away from whoever it was,” wika ni Spurs coach Gregg Popovich.

Ang nasabing pagbibida ni Leonard ang nagbigay ng momentum sa San Antonio Spurs patungo sa kanilang 102-94 panalo laban sa Kings na dumiskaril sa regular season opener ng Sacramento sa kanilang bagong downtown arena.

Sa 129-100 season-opening win ng Spurs laban sa Golden State Warriors noong Martes ay umiskor si Leonard ng career-high 35 points at 5 steals.

Si Leonard ang unang player na nagtala ng back-to-back 30-point, five-steal games matapos si Eddie Jones para sa Miami Heat noong December 2002.

Pinamunuan naman ni DeMarcus Cousins ang Kings sa kanyang 37 points at 16 rebounds.

Sa Chicago, nagpasabog si Dwyane Wade ng 22 points sa kanyang Chicago homecoming at inihatid ang Bulls sa 105-99 panalo laban sa Boston Celtics sa United Center.

Matapos dalhin si point guard Derrick Rose sa New York Knicks, pinalakas ng Chicago ang kanilang roster sa pamamagitan ng paghugot kina Wade at Rajon Rondo, pumirma sa Bulls sa offseason.

Pinamunuan ni Jimmy Butler ang Chicago sa kanyang 24 points at nagtala si Rondo ng 4 points at 9 assists.

Kumolekta naman si Forward Taj Gibson ng 18 points at 10 rebounds, habang nag-ambag si Nikola Mirotic ng 15 points para sa Bulls.

Sa Portland, tumirada si Blake Griffin ng double-double para ibandera ang Los Angeles Clippers sa 114-106 pananaig laban sa Trail Blazers.

Tumapos si Griffin ng 27 puntos, 13 rebounds sa 36 minutong paglalaro.

Sa Atlanta, nagsanib-puwersa sina Paul Millsap at Tim Hardaway para igi­ya ang Hawks sa 114-99 tagumpay laban sa Wa­shington Wizards.

Show comments