Cavaliers at Warriors paborito sa bagong NBA season

CLEVELAND - Ipagdi­riwang ni LeBron James at ng Cleveland Cavaliers ang una nilang sports crown sa loob ng 52 taon sa pama­ma­gitan ng pagtataas ng championship banner sa pagbubukas ng 2016-17 NBA season.

Ipaparada naman ng Gol­den State Warriors si su­perstar forward Kevin Du­rant sa pagharap sa San Antonio Spurs sa kanilang bal­warte.

Tatayong paborito ang Cavaliers at Warriors at hi­nuhulaang muling magtu­tuos sa NBA Finals sa ikatlong sunod na season.

Tinalo ng Cleveland ang Golden State sa nakaraang NBA Finals kung saan bu­mangon ang tropa ni James mula sa 1-3 pagkakabaon sa championship series.

Samantala, muling pakikinangin nina Chris Paul at Blake Griffin ang Los An­geles Clippers, habang babanderahan nina LaMarcus Aldridge, Kawhi Leo­nard at guard Tony Parker ang Spurs katuwang ang bagong hugot na si big man Pau Gasol .

Magkakasama naman sina Dwyane Wade, Jimmy Butler at Rajon Rondo sa Chicago at mag-isang da­dal­hin ni Russell Westbrook ang Oklahoma City matapos iwanan ni Durant.

Sa nakaraang season ay nagposte ang Warriors ng record na 73 wins, ngunit tinalo sila ng Cavaliers sa NBA Finals.

“Our mindset going into this year is knowing that the hunter has now become the hunted,” sabi ni Cavaliers for­ward Kevin Love. “So we have to approach every game a lot like the last two years, knowing we’re going to get everybody’s best shot.”

Nagtala si James ng mga averages na 29.7 points, 11.3 rebounds, 8.9 assists, 2.3 blocked shots at 2.6 steals a game.

“We’re not satisfied with just winning one championship. We’re not satisfied with just being successful. We want to continue to get better,” wika ni James.

Show comments