Bradley commentator sa Pacquiao-Vargas fight

MANILA, Philippines – Sasali sa rambulan si Timothy Bradley Jr. sa bakbakan nina eight-division world champion Manny Pacquiao at WBO welterweight champion Jessie Vargas sa Nobyembre 5 (Nobyembre 6 sa Maynila) sa Thomas and Mack Center sa Nevada, USA.

Ngunit sa pagkakataong ito, magiging bahagi si Bradley ng broadcast team na magbibigay ng komentaryo sa laban nina Pacquiao at Vargas.

Personal na napili ng Top Rank Inc. si Bradley dahil kabisado nito ang galaw at estilo ni Pacquiao gayundin si Vargas na parehong boksingero nakalaban na nito.

Tatlong beses nakaharap ni Bradley si Pacquiao.

Nanaig si Bradley sa kanilang unang paghaharap noong 2012 via split decision subalit nakabawi si Pacquiao noong Abril 2014 at noong Abril 2016 na parehong nauwi sa unanimous decision win.

Wagi rin si Bradley kay Vargas noong Nobyembre 2015 sa pamamagitan ng unanimous decision.

“We wanted to give the viewers a different perspective that informs and entertains and I think we have accomplished that with this fantastic team. The expert analysis from Tim will round this out perfectly as he is considered one of the best fighters in the world and has secured victories against both Pacquiao and Vargas,” wika ni Top Rank president Todd duBoef.

Nagpasalamat naman si Bradley sa tiwalang ibinigay ng Top Rank kaya’t matin­ding preparasyon ang gagawin nito upang mabigyan ng makulay na komentaryo ang Pacquiao-Vargas fight.

“It is an honor to work in collaboration with such a respected crew on a historic night for Top Rank as they host their very own pay-per-view. I hope this is the first of many to come and look forward to seeing everyone on November 5,” ani Bradley.

Makakasama ni Bradley sa broadcast team sina Brian Kenny at Stephen A. Smith ng ESPN.

Show comments