Philippine Volcanoes dadalo sa PSA Forum

MANILA, Philippines - Ilalahad ng Philippine Volcanoes ang kanilang mga programa kasama ang pagdedepensa sa gold medal para sa 2017 Southeast Asian Games sa pagbisita nila sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Shakey’s Malate.

Makakasama ng tropa ang mga opisyales ng dalawang collegiate leagues at si body building and fitness buff Gemmalyn Crosby sa sesyon na isinasaere sa DZSR Sports Radio 918 at inihahandog ng San Miguel Corp. Accel, Shakey’s at ng Philippine Amusement and Gaming Corp.

Dadalo rin ang mga opisyales ng Inter Scholastic Athletic Association (ISAA) sa pang alas-10:30 ng umagang forum kasama sina First Asia of Institute of Techno­logy and Humanities managing director Juan P. Lozano, FAITH athletic director Lito Arim at Noli Eala ng San Pablo Colleges, ilalahad ang pagbubukas ng 19th NCAA South sa Sept. 8.

Show comments