^

PSN Palaro

Abaniel binugbog ang Thai boxer, kampeon sa WIBA

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patuloy ang pag-angat ni dating national team member Gretchen Aba­niel matapos kubrahin ang korona ng Women’s International Boxing Association world minimumweight title kamakailan sa New South Wales, Australia.

Naitala ni Abaniel ang 10-round unanimous decision laban kay Saowaluk Nareepangsri ng Thailand upang masungkit ang kampeonato.

Dahil sa panalo, ang 30-anyos na si Abaniel ay nagmamay-ari na ng tatlong world titles kabilang ang kanyang korona sa Women’s International Bo­xing Federation at Global Boxing Union world minimumweight.

Inilabas ni Abaniel ang tikas ng dugong Pinay kung saan hindi nito hinayaan na makaporma sa kanya ang mas malaking Thai fighter sa kanilang bakbakang ginanap sa Club Punchbowl.

“Sobrang laki niya. Pero hindi ako nagpa-intimidate. Ang sa akin lang, nandito na ako so ibinigay ko na yung best ko,” wika ni Abaniel sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate.

Sa katunayan, umiskor ng knockdown si Abaniel sa fourth round upang tuluyang ipatikim sa Thai pug ang unang kabiguan nito.

“Undefeated siya, kaya ako yung nagpalasap sa kanya ng unang talo niya,” dagdag  pa ni Abaniel..

Sumulong si Abaniel sa 17-8 rekord tampok ang anim na knockouts habang bumagsak sa 6-1 si Nareepangsri.

Inaasahang magba­balik-aksiyon si Abaniel sa Nobyembre upang ipagtanggol ang kanyang tatlong korona sa labang gaganapin sa Vietnam.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with