Crawford sa 140 pounds gustong labanan si Pacquiao

Hawak ni Terence Crawford ang WBC at WBO light welterweight belts.

MANILA, Philippines - Tila humihiling si world light welterweight unified champion Terence Crawford ng bagay na kanyang ika­papahamak.

Matapos talunin si Viktor Postol ng Ukraine sa ka­nilang unification fight ay tinanong si Crawford kung gusto niyang labanan si Sen. Manny Pacquiao.

Sinabi ng 28-anyos na si Crawford na payag siyang harapin ang 37-anyos na si Pacquiao sa light wel­terweight division (140 pounds) na kanyang kasalukuyang dinodomina.

Naniniwala si Freddie Roach, ang chief trainer ni Pacquiao, na sa nasabing dibisyon naipapakita ng dating Fi­lipino world eight-division champion ang kanyang bilis at lakas.

“I think 140 pounds is where we would see the best Pacquiao,” sabi ni Roach sa panayam ng Bo­xingScene.com. “At 147 pounds he’s not bad but I think his ideal weight is 140 pounds, where the speed and power will be com­bined better.”

Nagretiro si Pacquiao no­ong Abril 9 matapos ta­lunin si Timothy Bradley, Jr. sa kanilang ikatlong pag­haharap para sa WBO welterweight belt.

Dinomina naman ni Craw­ford (29-0-0, 20 KOs) si Viktor Postol (28-1-0, 12 KOs) para idagdag sa kanyang suot na WBO light welterweight title ang WBC crown ng Ukranian fighter noong Linggo sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Nauna nang sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Pro­motions ang mananalo sa naturang laban ang ipapares niya kay Pacquiao (58-6-2, 38 KOs) para sa comeback fight nito sa Nob­yembre 5 sa Thomas & Mack Center sa Las Ve­gas, Nevada.

“If (Top Rank chief exe­cutive) Bob Arum wants that fight, and my coaches want that fight, that’s something we’ll talk about later,” sabi ni Crawford.

“I let my coaches handle that. I am a fighter and I will fight anybody. I’m happy, and I’m about to go on va­cation,” dagdag pa nito.

Hanggang ngayon ay wa­la pang opisyal na pa­ha­­yag si Pacquiao kung mu­ling babalik sa boxing ring, ngunit humingi na ng payo kay Senate Ptesident Franklin Drilon tungkol sa kan­yang plano.

Show comments