Gilas cadets hari sa SEABA

MANILA, Philippines – Hindi na pinakawalan ng Gilas cadets team ang pagkakataon.

Matapos mahirapan sa kanilang ‘no bearing’ game kamakalawa, tuluyan nang pinabagsak ng Gilas cadets ang Thailand, 97-80, para angkinin ang korona ng 2016 SEABA Stankovic Cup kagabi sa Stadium 29 sa Bangkok, Thailand.

Kumamada si Troy Rosario ng 17 points para sa kum­binsidong panalo ng tropa ni coach Nash Racela matapos ang kanilang one-point win, 63-62, laban sa Thai squad sa elminations.

Isang 1-0 atake ang si­nindihan nina Jio Jalalon at Mac Belo para ilista ang 79-66 abante sa fourth quarter matapos makalapit ang Thailand sa 66-69 agwat.

Tumapos si Jalalon na may 16 points at 7 rebounds, habang nagdagdag si Belo ng 14 markers .

“Well done. You played with character, pride and heart. The future of Philip­pine basketball in good hands,” sabi ni Sama­hang Basketbol ng Pilipinas president Manny V. Pangilinan sa kanyang official Twitter account na @iammvp.

Nag-ambag si Mike To­lomia ng 12 points kasunod ang 11 ni Almond Voso­tros at 10 ni Roger Pogoy.

Dahil sa pagiging top two finishers ay maglalaro ang Gilas cadets at Thailand sa FIBA Asia Challenge sa Setyembre sa Iran.

 

Show comments