Ople-backed Repsol 2 wagi sa Corporate Cup
MANILA, Philippines – Inungusan ng Repsol-2 players ang kanilang karibal sa Repsol-1 sa mainitang finals para angkinin ang korona ng Division 4 ng 2016 Corporate Cup sa Camp John Hay sa Baguio City kamakailan.
Tinalo ng Repsol-2 ang Repsol-1, 230-229, para sa 1-2 finish ng dalawang koponan suportado ni Susan Ople, ang dating Undersecretary ng Department of Labor and Employment, sa two-day event.
“It was a tight contest, the final score says it all. But at the end of the day, it was friendly competition between Repsol’s two golf teams,” sabi ni Ople, naging backer ng Repsol’s golf team sa nakaraang mga taon.
Ang Repsol-2 squad ay binubuo nina Richmann Uy, Joana Pitogo, Jun Tan at Sevie Oliva, habang ang Repsol-1 ay kinabibilangan nina Dennis Te, Johnny Chu, Hebert Magsino at Fred Salonga.
Sa isang four-to-play, three-to-count format, namayani ang Repsol-1 sa first day nang magtala si Chu ng 45 points, habang may 41 si Te kasunod ang tig-34 nina Salonga at Magsino para sa kabuuang 120 points laban sa 113 ng Repsol-2 na nakahugot ng 47 points kay Tan’.
Nakabangon ang Repsol-2 sa final day nang umiskor sina Tan at Oliva ng tig-46 points kasunod ang 25 ni Uy at 23 ni Pitogo para sa kanilang 117 points laban sa 109 ng Repsol-1.
- Latest