Lady Troopers mapapalaban ng todo sa mga bigating karibal

MANILA, Philippines - Inaasahang magiging mahirap ang kampanya ng  RC Cola-Army sa Philippine Superliga (PSL) para sa 2016 PSL Invitational women’s volleyball tournament sa Feb. 18 sa The Arena sa San Juan.

Ito ay dahil sa mga ma­bibigat na koponang makakasabayan ng Lady Troo­pers, nagreyna sa unang tatlong komperensya ng liga bago mamahinga sa sumunod na tatlong torneo.

“It’s now an entirely different ballgame,” sabi ni RC Cola-Army coach Emilio ‘Kungfu’ Reyes.

“Yes, we dominated the league, but that was three years ago. A lot of things already happened, a lot of young players got stronger. We’re not really sure if we can still win the way we used to be.”

Wala pa sa magandang kondisyon ang 39-anyos na si prized setter Tina Sa­lak, habang unti-unti na­mang humihina ang laro nina seasoned spikers Michelle Carolino (37-anyos), Mary Jean Balse-Pabayo (32-anyos) at Joanne Bunag (34-anyos).

Kaya aasa ang RC Cola-Army kina Jovelyn Gonzaga, Honey Royse Tubino, Tin  Agno at Rachel Anne Daquis.

“Tina’s not in hundred percent. Her knees are already bothering her,”  wika ni Reyes, na namamahala rin sa University of Santo Tomas sa UAAP.

Sinabi rin ni Reyes na ang Foton ang inaasahang magiging title contender sa torneo bukod pa ang Petron at mga baguhang San Jose Builders at F2 Logistics, ibabandera sina dating La Salle stars Cha Cruz, Paneng Mercado at Chie Saet.

Show comments