Caida, CafeFrance pag-aagawan ang liderato

MANILA, Philippines – Ito ang sinasabing ma­gi­ging Finals preview ng 2016 PBA D-League Aspirants’ Cup.

Nakatakdang pag-agawan ng Caida Tile at CafeFrance ang solong liderato ngayong alas-4 ng hapon sa Ynares Sports Arena.

Parehong nagtataglay ng 3-0 record ang Tile Masters, Bakers at Phoenix-FEU Tamaraws.

Sa unang laro sa alas-2 ng hapon ay magtatagpo naman ang Tanduay at Wangs Basketball.

“I think Caida is the team to beat this confe­rence,” sabi ni CafeFrance head coach Egay Macaraya sa Caida ni mentor Caloy Garcia.

Nagmula ang Bakers sa 94-73 panalo laban sa UP QRS/JAM Liner Maroons noong nakaraang Hu­­webes para iposte ang ka­nilang ikatlong sunod na ratsada.

Muling aasahan ng Ca­feFrance sina Congolese big man Rod Ebondo, Carl Bryan Cruz, Samboy de Leon at Paul Zamar.

“Hopefully, the boys play a much better game pa­ra maka-compete kami sa kanila,” dagdag pa ni Ma­caraya.

Nais naman ng Tile Mas­ters na masundan ang ka­nilang 110-106 pag­takas sa Wangs Basket­ball noong nakaraang Huwe­bes.

“They’re a champion team. They’re experienced and they’re really good. They know how to adjust,” sabi ni Garcia sa Bakers na naghari sa Foundation Cup. “It’s going to be a tough game.”

Matapos ang CafeFrance ay makakatapat ng Caida ang Phoenix-FEU at UP QRS/JAM Liner.

“The next three games are the top three geams for me. Siguro by that time, we’ll see how good we really are,” wika ni Garcia.

Show comments