San Sebastian dinurog ang Jose Rizal

MANILA, Philippines – Kaagad dinispatsa nina Grethcel Soltones at Dangie Encarnacion ng San Sebastian sina Maria Shola May Luna Alavarez at Rosalie Pepito ng Jose Rizal University, 22-18, 22-17, para sa pagsisimula ng kanilang pagdedepensa sa korona sa 91st NCAA women’s beach volleyball tournament kahapon sa Boardwalk sa Subic.

Umiskor din ng panalo sina Jaylene May Lumbo at Yvonne Joyce Reyes ng Emilio Aguinaldo College makaraang gibain sina Julia Angeles at Jan Juno Leal Carreon ng Letran College, 21-15, 21-13.

Sa men’s division, inilampaso ng magkatapid na Relan at Rey, Jr. Taneong nagdedepensang Perpetual Help sina Christian Calonia at Jahir Ebrahim ng San Sebastian, 21-14, 21-11.

Ang mag-utol na Taneo ay miyembro ng Altas team na nagkampeon sa nakaraang NCAA men’s indoor volleyball tournament matapos talunin ang dating haring Emilio Aguinaldo.

Samantala, binigo naman nina Racmade Etrona at Isaah O’neal Arda ng EAC sina Mark Enciso at Alfie Mas­cariñas ng San Beda, 13-21, 21-18, 15-9.

Sa isa pang laro, tinalo nina Samuel Joseph Almalel at Philip Michael Bagalay ng Mapua sina Bobby Gatdula at Harold Reyes ng Letran, 21-15, 21-14.

Show comments