Cavs dinispatsa ang Magic; James pasok sa NBA elite list

Nakipag-agawan sa bola si Kevin Love ng Cavaliers kay Victor Oladipo ng Magic sa first half sa NBA.

CLEVELAND – Sumama si LeBron James kay Oscar Robertson sa isang eksklusibong NBA list, habang umiskor si Kevin Love ng season-high 35 points para ihatid ang Cavaliers sa 117-103 panalo laban sa Orlando Magic sa NBA noong Lunes.

Nagtala si James ng 15 points at 13 assists para makahanay si Robertson bilang mga natatanging players sa league history na napabilang sa top 25 sa career points at assists.

Sa kanyang fifth assist ay nalampasan ni Ja­mes si Norm Nixon (6,386) para sa 25th place at makapantay si Robertson, tinapos ang kanyang Hall of Fame career na may 26,710 points at 9,887 assists.

Inaasahang mau­ungu­san ni James ang sco­ring total ni Robertson sa mga susunod na laro ng Cavaliers.

Nagdagdag naman si J.R. Smith ng season-high 26 at may 15 si Matthew Dellavedova para sa Cavs na nagsalpak ng season-high 18 3-pointers mula sa 35 attempts.

Kaagad kumamada si Love ng 27 points sa first half para sa Cavs, may 8-0 record sa Cleveland at nangunguna sa Eastern Conference sa kanilang 11-3 record.

Show comments