^

Cignal kinuha ang unang finals berth

(Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Tuluyan nang inangkin ng Cignal HD TV ang unang finals seat nang ta­lunin ang PLDT Home Ultera, 25-22, 21-25, 25-23, 11-25, 15-8, sa Spikers’ Turf Season 1-Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan City.

Sinapawan ni Lorenzo Capate, Jr. si Mark Gil Al­fafara sa labanan ng da­lawang pinakamalalakas na spikers sa liga nang bu­mandera sa fifth at final set para ihatid ang HD Spi­kers sa best-of-three championship round.

Tumayong No. 2 team ang Cignal sa semis sa kanilang 4-1 record at isang panalo lamang ang kailangan para sibakin ang third-seeded na PLDT (3-2) patungo sa finals.

Lalabanan ng HD Spi­kers ang mananalo sa pa­gitan ng No. 1 Air Force at No. 4 Navy.

Tumapos si Capate na may 26 hits.

Nagtala sina Herschel Ramos, Edmar Bonono at Alexis Faytaren ng 12, 11 at 10 hits, ayon sa pagkakasunod.

Umiskor si Alfafara ng 28 hits kasunod ang 17 ni Ron Jay Galang, 12 ni Henry James Peca-A at 11 ni dating UAAP MVP Peter Torres para sa PLDT.

ACIRC AIR FORCE ALEXIS FAYTAREN ANG CIGNAL EDMAR BONONO HENRY JAMES PECA-A HERSCHEL RAMOS HOME ULTERA LORENZO CAPATE MARK GIL AL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with