Hobe Bihon malinis pa rin

MANILA, Philippines – Tumapos si Rodrige Ebundo ng 19 puntos para imando ang Hobe Bihon-Cars Unlimited sa 82-72 tagumpay laban sa Metro Pacific Toll Corporation noong Huwebes ng gabi sa 5th DELeague Basketball Tournament sa  Marikina  Sports Center, Marikina City.

Pinagtulungang iba­ngon nina Ebundo at Eric Dela Cuesta ang Hobe Bihon matapos maiwanan sa first half ng Road Warriors sa bungad ng second half para agawin ang trangko na hindi na binitiwan pa tungo sa panalo.

Humatak din si E­bun­do ng 4 rebounds na sinuportahan ni ex-PBA  Bonbon Custudio ng 17 puntos at 4 assists para ihatid ang Hobe sa ikala­wang sunod na panalo.

Sa isa pang laro, kinubra ng  Power Innovation ang  89-74 panalo laban sa Philippine National Police- Quick Print.

Show comments