Shakey’s V-League PLDT, Navy unahang pumuwesto sa semis
AT (Pilipino Star Ngayon) - November 6, 2015 - 9:00am

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

12:45 p.m.  PLDT Home Ultera vs Navy

 

MANILA, Philippines – Puwesto sa semifinals ang makakamit ng mananalo sa pagitan ng PLDT Home Ultera Fast Lady Hitters at Navy Lady Sailors sa Shakey’s V-League Season 12 Reinforced Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang laro ay magsisimula sa ganap na alas-12:45 ng hapon at ikatlong panalo ang maidaragdag sa baraha ng mananalong koponan at magsisilbing tiket sa susunod na round sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Ang mga nasa huling dalawang puwesto na Coast Guard Lady Dolphins (1-3) at Kia Forte (0-3) ay may katiting pang tsansa na humabol pero hanggang dalawang panalo lamang ang pinakamataas na panalo na kanilang makukuha.

Galing ang PLDT mula sa 25-12, 22-25, 25-15, 25-17 panalo laban sa UP Lady Maroons para magtabla sila sa ika-2 puwesto sa 2-1 karta.

Sina Janine Marciano, Aiza Pontillas at Gretchel Soltones ang mga magdadala ng laban sa PLDT na hanap na kunin ang ikalawang titulo sa liga matapos pagharian ang Open Conference.

Pero gagawin ng Navy ang lahat ng makakaya para sila ang umabante na at ang nangunguna at pumapangatlo sa scoring list na sina Pau Soriano at Lilet Mabbayad ang kakamada para sa kanilang koponan.

AIZA PONTILLAS ANG COAST GUARD LADY DOLPHINS GRETCHEL SOLTONES HOME ULTERA HOME ULTERA FAST LADY HITTERS KIA FORTE LADY MAROONS LARO NGAYON LILET MABBAYAD SAN JUAN CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with