Maroons, Warriors bumangon
Laro Ngayon (Smart Araneta Coliseum)
11 a.m. FEU vs Ateneo
4 p.m. UST vs La Salle
MANILA, Philippines – Tinapos ng Red Warriors ang kanilang apat na sunod na kamalasan kasabay ng pagpapalasap sa nagdedepensang Bulldogs ng ikalawang dikit nitong kamalasan.
Bumangon ang University of the East mula sa 10-point deficit sa second period para resbakan ang National University, 52-47, sa 78th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nagtabla sa magkakatulad na 3-5 kartada ang UE, NU at University of the Philippines sa ilalim ng Far Eastern University (6-1), University of Sto. Tomas (6-1), La Salle (4-3) at Ateneo (4-3) kasunod ang Adamson (1-7).
Mula sa 16-26 pagkakaiwan sa second quarter ay nakatabla ang Red Warriors sa 34-34 sa 3:24 minuto ng third period bago tuluyang iwanan ang Bulldogs sa 47-40 sa 2:59 minuto ng final canto buhat sa basket ni Chistopher Javier.
Huling nakadikit ang NU sa 45-49 galing sa jumper ni Gelo Alolino bago selyuhan ni Edgar Charcos ang panalo ng UE mula sa kanyang dalawang free throws sa natitirang 0.3 segundo.
Samantala, tinapos naman ng Fighting Maroons ang kanilang limang sunod na kamalasan nang talunin ang Falcons, 89-84.
Kumamada si guard Henry Asilum ng 19 points kasunod ang 16 ni Jett Manuel para sa ikatlong panalo ng UP kasabay ng pagpigil sa target na pangalawang dikit na panalo ng Adamson.
Sinimulan ng Fighting Maroons ang torneo mula sa 2-0 panimula bago nahulog sa isang five-game losing skid.
Pinamunuan ni import Papi Sarr ang Falcons sa kanyang 18 points at 17 rebounds kasunod ang 12 markers ni Jerome Garcia.
Samantala, sasagupain naman ng Tigers ang Green Archers ngayong alas-4 ng hapon, habang makakatapat ng Tamaraws ang Blue Eagles sa alas-11 ng umaga sa Smart Araneta Coliseum.
Muling mag-uunahan sa pagsosolo sa liderato ang UST at ang FEU.
UP 89 – Asilum 19, Manuel 16, Dario 14, Amar 13, Desiderio 8, Longa 8, Juruena 7, Moralde 2, Harris 2, Kone 0, Jaboneta 0, Vito 0, Lim 0.
Adamson 84 – Sarr 18, Garcia 12, Margallo 11, Nalos 8, Ng 8, Capote 7, Tungcab 5, Garcia 5, Escalambre 5, Polican 3, Ochea 2, Camacho 0.
Quarterscores: 19-16; 44-36; 68-56; 89-84.
UE 52 – Javier 16, P. Varilla 10, Abanto 7, Charcos 4, De Leon 4, Palma 4, Batiller 3, Gagate 2, J. Varilla 2, Derige 0, Manalang 0, Penuela 0, Sta. Ana 0, Yu 0.
NU 47 – Aroga 11, Neypes 9, Diputado 8, Alolino 6, Celda 4, Salim 4, Alejandro 3, Tansingco 2, Abatayo 0, Javelona 0, Javillonar 0, Yu 0.
Quarterscores: 8-12; 21-28; 37-36; 52-47.
- Latest