Si Blatche ang naging pantapat

CHANGSHA, China – Tila nakahanap na ng kan­yang katapat si Hamed Haddadi, ang pinakadominanteng sentro matapos si Chinese star Yao Ming.

At ito ay laban kay Gilas Pilipinas naturalized player Andray Blatche, dating nag­laro sa NBA.

Kumolekta ang 6-foot-10 na si Blatche ng 18 points, 7 rebounds, 4 steals, 2 blocks at 1 assists, habang nagtala ang 7’2 na si Haddadi ng 10 markers, 7 boards, 1 steal at 1 block.

Na-foul out ang Iranian giant nang makasagupa si Calvin Abueva kasunod ang technical foul.

“It’s not a statement game. We just executed well, we attacked and got the win. I felt we prepared ourselves for this moment. We came out and did what we were supposed to do,” sa­bi ni Blatche.

Sinabi ni Gilas coach Tab Baldwin na nakahanap si Haddadi ng kanyang ka­tapat sa Asian basketball.

Show comments