Petron yuko sa Kazakhstan

PHU LY, Vietnam – Lalaban na lamang ang Petron para sa pang-pitong puwesto sa 2015 AVC Asian Women’s Club Volleyball Championship.

Ito ay matapos yumukod ang Blaze Spikers laban sa Zhettysu VC ng Kazakhstan, 17-25, 18-25, 20-25, sa classification round kahapon dito sa Ha Nam Competition Hall.

Tinapos ng mga Kazakhs ang mga Pinay sa loob ng isang oras at siyam na minuto.

Dahil sa kabiguan ay tatangkain na lamang ng Petron na makuha ang 7th place laban sa matatalo sa pagitan ng 4.25 Sports Club ng North Korea at Lietvietpost Bank ng host country ngayong hapon.

Nagtala si Rachel Anne Daquis ng 8 kills para tumapos na may 9 points sa panig ng Blaze Spikers na walang nagawa sa club team ng Kazakhs  na may average height na 6’2 at pinalakas ng 10 miyembro ng national women’s team.

Nagdagdag sina Dindin Manabat at reinforcement Rupia Inck Furtado ng 8 at 7 points, ayon sa pagkakasunod para sa Petron.

Show comments