Williams nagkaroon ng MCL injury

MANILA, Philippines – Sa unang team practice pa lamang ng Gilas Pilipinas ay nagkaroon na ng injury si Talk ‘N Text forward Kelly Williams.

Nang madulas ang 6-foot-5 na si Williams sa sa­hig ay umalog ang kanyang kanang tuhod noong Lunes ng gabi sa Meralco Gym.

Kinailangan siyang ala­layan ng kakamping si Ra­nidel De Ocampo, may ini­indang hamstring injury, pa­punta sa bench bago idi­niretso sa ospital.

“We sent him to the hospital to get an MRI, but it wasn’t good,” sabi ni Gilas Pi­lipinas head coach Tab Baldwin sa injury ni Williams. “We just hope and pray that it sounded worse than it what it really is.”

Bumabalik si Williams, isang one-time PBA Most Valuable Player, sa Gilas Pi­lipinas matapos mabigong ma­kasama noong 2013 sa pagsabak sa FIBA Asia Championships.

“Thank u guys for the pra­yers. So disappointed. But God is good, life is good, and I WILL rise higher again,” sabi ni Williams sa kanyang Twitter account na @KelWilliams21.

“God is good, life is good, and I will rise higher again.”

Sinasabing nagkaroon ang slam dunker ng MCL in­jury sa kanyang kanang tu­hod.

Show comments