Green Archers, Blazers asam ang quarters sa Spiker’s Turf

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

1 p.m. - St. Benilde vs La Salle

3 p.m. - NCBA vs EAC

5 p.m. - UE vs Mapua

MANILA, Philippines – Sasandalan ng La Salle Green Archers at St. Benilde Blazers ang momentum na hatid sa huling laro para makuha ang upuan sa quarterfinals sa Spikers’ Turf Season 1 Collegiate Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang La Salle at St. Be­nilde ay magtutuos nga­yong ala-1 ng hapon at ang magwawagi ay sasama sa Ateneo Blue Eagles sa quarterfinals sa Group B.

Magkasalo ngayon ang Green Archers at Blazers bukod pa sa UP Maroons sa pangalawang puwesto sa 2-1 karta, habang ang Eagles ay may malinis na 3-0 baraha.

Nagwagi ang La Salle sa kanilang huling dala­­wang laro kontra sa Arellano Chiefs at La Salle-Dasma Patriots upang ma­kaba­ngon matapos ma­talo sa Ateneo, habang ang St. Be­nilde ay nanalo sa Arellano Chiefs sa apat na sets.

Show comments