Ateneo nanalo sa twin basketball meet

MANILA, Philippines - Nagtala ng kanilang ikalawang sunod na panalo ang dalawang koponan ng Ateneo sa Small Basketeers Philippines at sa Passerelle Division ng Best Center-organized twin basketball tournaments na itinataguyod ng Milo sa Xavier School gym.

Dinurog ng Ateneo-A ang Xavier School-B, 49-29, para banderahan ang Group B ng SBP Division mula sa kanilang 2-0 kartada.

May 2-0 baraha din ang Marist School matapos gibain ang Lourdes School-QC, 44-30.

Tinalo naman ng Xavier-A ang Ateneo-B, 51-31, sa Group A.

May 2-0 marka din ang Xavier-A.

Sa Passerelle Division, tinalo ng Ateneo-A ang De La Salle-Zobel, 66-47, para sa kanilang 2-0 record katulad ng Marist School sa Group B.

Show comments