Llavore dinomina ang Globe HEAD Jr. netfest CDO leg

MANILA, Philippines – Pinatumba ni Janella Carmela Llavore ang kanyang dalawang kalaban para angkinin ang kambal na titulo sa third leg ng Globe 17th HEAD GRAPHENE XT Junior Tennis Satellite Circuit Cagayan De Oro City leg sa Nazareth Lawn Tennis Club sa Cagayan De Oro City.

Pinasuko ni Llavore, isang familiar figure sa age-group tennis sa Mindanao, si Mary Aubrey Calma sa championship round, 6-1, para angkinin ang 18-under girls singles title ng annual competition na inorganisa ng Dynamics Sports.

Pinigil naman ni Llavore ng CDO ang two-leg title streak ni Patricia Velez sa girls’ 16-under singles class nang magtala ng 6-4, 7-6 panalo sa championship round para sa kanyang ikalawang korona sa satellite junior tennis competition na nilahukan ng 130 partisipante mula sa Mindanao region.

Inangkin ni Velez ang 16-under singles title sa Davao City first leg at sa Isulan, Sultan Kudarat second leg.

Binigo ni Allen Gerry Manlangit si Aaron Paduganan sa finals, 6-3, 6-3, para sa boys’ 18-under singles crown; unisex title.

Show comments