Ellis bumandera sa Mavericks

Nakipag-unahan si Monta Ellis ng Dallas kay Louis Williams ng Toronto sa paghabol sa loose ball sa kanilang laban sa NBA.

DALLAS-- Bumalikwas ang Mavericks mula sa malaking agwat para ta­lunin ang Toronto Raptors, 99-92, kung saan nagkasigawan sina starting point guard Rajon Rondo at coach Rick Carlisle sa isang timeout sa third quarter.

Lamang ang Toronto sa 62-53 nang tawagin ni Carlisle si Rondo sa midcourt habang nagdidribol para sa timeout ng Dallas.

Nang nakarating ang mga players sa bench area, nagkasagutan sina Carlisle at Rondo sa harap ng mga players at coaches.

Hindi na ibinalik ni Car­lisle si Rondo sa laro.

“Because I’m the coach and that’s the decision that I made at the time,” wika ni Carlisle sa pagbabangko niya kay Rondo.

Hindi nagsalita si Rondo sa media sa locker room matapos ang laro kung saan siya tumapos na may 4 points, 4 assists, 3 fouls at 2 turnovers.

Pinamunuan ni Monta Ellis ang Mavericks sa kanyang 20 points, habang nagdagdag ng 18 si Dirk Nowitzki para sa kanilang ikatlong sunod na panalo.

Sa Auburn Hills, Michigan, nagtala si LeBron James ng 11 assists para igiya ang Cleveland Cavaliers sa 102-93 panalo kontra sa Detroit Pistons.

Dahil dito, nalampasan ni James si Scottie Pippen para sa first place sa NBA career list sa hanay ng mga forwards.

Si James ay mayroon ngayong 6,142 assists.

 

Show comments