Mayweather magigiba sa suntok ni Pacman — Hatton
ATan (Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Kailangang maulit ni Manny Pacquiao ang larong ipinakita nang labanan  si Oscar De La Hoya para manalo kay Floyd Mayweather Jr. sa Mayo 2.

Ito ang sinabi ni Ricky Hatton ang dating matikas sa junior welterweight pero nagretiro nang gapiin ni Pacquiao sa pamamagitan ng second round knockout noong 2009.

Naniniwala si Hatton na may tsansa  ang Pambansang Kamao  na manalo sa walang talo at kasalukuyang pound for pound king pero dapat siya ay maging agresibo sa ka­buuan ng laban.

“I feel that Manny should box in and out against Mayweather, adopting a similar style to what he used against Oscar De La Hoya,” wika ni Hatton sa Ring.tv.

Tinalo ni Pacquiao si De La Hoya noong 2008 nang hindi na tumayo ang tinaguriang “Golden Boy” ng boxing sa ikawalong round dahil bugbog siya sa mala-rapidong suntok ni Pacquiao.

Nakikita ni Hatton na gagamitin ni Mayweather ang galing sa counter-punching at ang pagtago ng kanyang mukha gamit ang balikat pero magagawan ng paraan ito kung pauulanan siya ng suntok ni Pacquiao.

“The last time Floyd was forced to come forward against a speedy fighter was with Zab Judah. Imagine Manny bouncing around, in and out, with Floyd hunting him down using the shoulder roll, Manny could make life difficult for him if he does that,” paliwanag ng tinaguriang “The Hitman” na ngayon ay isa nang promoter at trainer.

Anim na taon ang hinintay bago tuluyang naganap ang pinakasasabikang pagkikita ng dalawang tinitingalang boksingero sa kapanahunang ito.

Bagamat may edad na pareho ang dalawang boksingero dahil si Mayweather ay nagdiwang ng kanyang ika-38th kaarawan kahapon habang edad 36 na si Pacman, ay tiyak na magiging eksplosibo ang kanilang tapatan kung sino ang dapat na kilalanin bilang pinakamahusay sa welterweight division.

Nagsimula na sa pagpapakondisyon si Pacquiao at inihayag pa na walong buwan siyang magsasanay sa US at iiwan ang lahat, mula sa trabaho bilang Kongresista at coach ng Kia sa PBA para maibigay ang buong panahon at isipan sa mega fight na ito.

Ang pahayag na ito ay puwedeng sandalan na ma­ibabalik niya ang dating kinatakutang porma upang tu­mibay ang hangaring wakasan ang 47 sunod na panalo ni Mayweather.

DE LA HOYA FLOYD FLOYD MAYWEATHER JR. GOLDEN BOY HATTON IMAGINE MANNY MAYWEATHER OSCAR DE LA HOYA PACQUIAO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with