^

PSN Palaro

5th Stags Run pakakawalan bukas sa Baywalk

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ilang dating alumni na pa­mumunun ni Ronald Pas­cual ng PBA Philippine Cup champion na San Mi­guel Beermen ang 5th Stag Run ng San Sebastian College-Recoletos Manila na pakakawalan bukas sa Plaza Rajah Sulayman sa Baywalk, Roxas Boule­vard.

Kinumpirma ni Pascual ang kanyang pagtakbo sa annual race na naghaha­ngad na makaipon ng pon­do para sa kanilang mis­sionary work dito at sa ibang bansa kasabay ng pag­diriwang nila ng 74th Founding Anniversary.

Suportado rin nina Cal­­vin Abueva ng Alaska Milk at Ian Sangalang ng Purefoods, nakasama si Pas­cual para sa “Pinatubo Three” ng Stags sa pag-ang­kin sa korona ng NCAA no­ong 2009, ang nasabing weeklong ce­lebration.

Ang mga interesado ay maaaring tawagan si Ms. Analissa Tanquiling sa 734-8931 to 39 (loc 174) at si Mr. Joselito Gando sa 998-4625. 

Inihayag ng mga organizers na ang mga on-site registrants ay tatanggapin hanggang alas-5 ng umaga sa karerang may mga kategoryang 3k, 5k at 10k.

Tinaguriang “Takbo Pa­ra sa Misyon”, ang Stags Run noong 2011 ay nakalikom ng pondo para sa missionary work ng Order of Augustinian Recollects (OAR) sa Sierra Leone, Africa at sa Cascian Island sa Palawan.

vuukle comment

ALASKA MILK

CASCIAN ISLAND

FOUNDING ANNIVERSARY

IAN SANGALANG

MR. JOSELITO GANDO

MS. ANALISSA TANQUILING

ORDER OF AUGUSTINIAN RECOLLECTS

PHILIPPINE CUP

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with