Rambulan na naman sa tune-up game

MANILA, Philippines - Sa ikatlong pagkakataon ay nagkaroon muli ng rambulan sa isang tune-up game bago ang 2014-2015 PBA Commissioner’s Cup.

Sa ulat ng Spin.com.ph ay inihinto ang laro ng nagde­depensang Purefoods at Rain or Shine sa Ronac Gym sa San Juan City.

Ito ay matapos suntukin ni Hotshot’s big man Yousef Taha si Elasto Painters’ import Rick Jackson sa isang re­bound battle.

Nagpilit gumanti si Jackson ngunit nakailag si Taha.

Itinigil ng mga game officials ang laro kung saan angat ang Rain or Shine, 58-55, sa 9:15 sa third quarter.

Noong nakaraang linggo ay pinagmulta ng tig-P30,000 sina Globalport guard Terrence Romeo at Eman Monfort ng Barangay Ginebra matapos magsuntukan sa kanilang tune-up match.

Noong Huwebes ay muntik nang magpang-abot si­na Barako Bull center Dorian Peña at Kia Motors guard Jo­shua Webb sa Green Meadows gym.

Show comments