Overall championship pinagulong ng TBAM
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Kinuha ng Tenpin Bowling Association of Makati (TBAM) ang ikapitong sunod na overall title sa idinaos na 22nd Philippine Bowling Congress National Youth Championships sa E-Lanes Bowling Center sa San Juan City kamakailan.

Nanguna para sa TBAM sina Enzo Hernandez at Merwin Tan na nanalo ng tig-tatlong ginto at habang si Bea Hernandez ay may dalawang ginto sa kababaihan.

Kampeon si Hernandez sa Singles, Doubles at Team events habang si Tan na natatanging bowler na nakagawa ng perfect game, ay nanguna sa All-Events, Team at sa Masters.

May dalawang pilak pa si Hernandez para lumabas bilang ‘Most Bemedalled Bowler’ ng torneo sa boys’ division

Si Bea ay nagdomina sa Team at All Events para pangunahan ang girls’ division.

Nagkaroon ng pagkakataon sana si Hernandez na manalo ng kanyang ikatlong ginto pero kinapos siya ng dalawang pins kay Angel Lazo para sa pilak sa girls Masters event.

ALL EVENTS ANGEL LAZO BEA HERNANDEZ E-LANES BOWLING CENTER ENZO HERNANDEZ HERNANDEZ MERWIN TAN MOST BEMEDALLED BOWLER PHILIPPINE BOWLING CONGRESS NATIONAL YOUTH CHAMPIONSHIPS SAN JUAN CITY SI BEA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with