2014 AFF Suzuki Cup Laos durog sa Azkals

MANILA, Philippines – Nalampasan ng Philippine Azkals ang unang goal na isinalpak ng Laos nang umiskor ng apat na sunod, 4-1, para sa kanilang unang panalo sa 2014 AFF Suzuki Cup kagabi sa My Dinh Stadium sa Hanoi, Vietnam.

Naikonekta ni Khampeng Sayavutth ang kanyang goal sa 21st minute para sa 1-0 abante ng Laos.

Ngunit nakuha ng Azkals ang kanilang porma ma­tapos umiskor si Simone Rota sa 40th minute para tumabla sa 1-1.

Bago matapos ang first half ay muling nakakolekta ng goal ang Azkals galing kay Phil Younghusband para iwanan ang Laos sa 2-1.

Sa second half ay hindi na nagpapigil ang Azkals nang kumamada ng dalawang goal si Patrick Reichelt sa 77th at 88th minute para sa final score.

Nakatakdang labanan ng Azkals ang Indonesia sa Nobyembre 25 kasunod ang Vietnam sa Nobyembre 28.

Show comments