Siargao Legends, Sealions umiskor ng panalo sa DELeague

MANILA, Philippines - Sinandalan ng Siargao Legends ang galing ni  da­ting PBA two-time MVP Willie Miller para sa 76-70 panalo laban sa Team Mercenary sa pagpapatuloy ng 4th DELeague Invitational Basketball Tournament noong Martes ng gabi sa Ma­rikina Sports Center sa Marikina City.

Si Miller ay kumulekta ng 15 puntos, limang assists at tatlong rebounds habang ang isa pang dating PBA player na si Celino Cruz ay naghatid pa ng 11 puntos para ibigay kay playing coach at dati ring pro player Nic Belasco ang kanyang unang panalo sa ligang itinataguyod ni Marikina Mayor Del  de Guzman.

Naglaro rin ang 6’6 center na si Belasco at nag­bigay ng 10 puntos at pitong rebounds.

Si Don Dulay ay may 15 puntos at apat na assists para sa Team Mercenary.

Nilunod ng Sealions ang Cars Unlimited, 77-73, sa ikalawang laro sa ligang suportado rin ng PCA Marivalley, St. Anthony Hospital, CLJ Properties, PS Bank Blue Wave Marquinton Branch, Luyong Restaurant Concepcion, Mickies Equipment Sales and Rental, Tutor 911 at Toyota Motors Marikina.

Ang mga laro sa DELeague ay itinakda tuwing Martes, Huwebes, Sabado at Linggo umpisa alas-7 ng gabi.

Show comments