Pinoy darters humataw sa Malaysia

MANILA, Philippines - Winalis ng mga Filipino darters ang mga major awards sa katatapos na 2014 Malaysian Open darts tournament sa Premier Hotel sa Klang, Sela­ngor, Malaysia.

Nagkampeon ang mga Filipino sa men’s at ladies’ singles, men’s singles soft tip at sa premier division ng team competition.

Inangkin ni Arnie Ticman ang ladies’ crown, ha­bang naghari si Juanito “Boy” Gionson sa men’s singles steel tip at nagbida si Dixie Ybanez sa men’s singles soft tip.

Dinala ang laban ng Shanghai Darts Singapore, nagwagi naman sina Fi­lipi­no campaigners Louie So­­ria­no, Boie Parfan, Ricky San­tiago, Jaypee Detavlan, Archie Limpahan, Ray Rondilla, Froy Socco at Ro­land Mirabueno sa team competition.

 Tinalo ng mga Filipino ang mga elite darters mula sa Australia, Japan, Hong Kong, India, Thailand, Singa­­pore, Brunei at host Ma­­laysia sa nasabing 14-year tournament na may prem­yong 95,000 Malaysian dollars.

Show comments