Binawian ang UE Ateneo nagsolo
Laro sa Sabado
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. La Salle vs UP
4 p.m. UST vs FEU
MANILA, Philippines - Muling sinolo ng Blue Eagles ang liderato kasabay ng pagpigil sa two-game winning run ng Red Warriors.
Bumangon ang Ateneo mula sa naunang kabiguan para talunin ang University of the East, 78-73, sa second round ng 77th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Kinuha ng Blue Eagles ang kanilang pang-pitong panalo sa siyam na laban para muling manguna sa torneo.
Kumamada si Chris Newsome ng season-high 23 points, habang humakot si Kiefer Ravena ng 16 points, 8 rebounds at 7 assists para sa Katipunan-based team.
Nagmula ang Ateneo sa 86-88 kabiguan sa nagdedepensang La Salle noong Linggo na pumigil sa kanilang three-game winning streak.
Mula sa 59-62 agwat ay inagaw ng Ateneo ang unahan sa 68-62 sa 4:51 minuto ng fourth quarter bago nakatabla ang UE sa 71-71 sa huling 1:43 minuto.
Huling nakadikit ang Red Warriors sa 72-73 mula sa split ni Eric Palma sa natitirang 33.4 segundo kasunod ang three-point shot ni Ravena para ilayo ang Eagles sa 76-72 sa nalalabing 14.2 segundo.
Sa unang laro, kumawala ang National University sa second period para gibain ang Adamson University, 71-50, para sa kanilang pang-anim na panalo sa siyam na laro.
Mula sa 18-14 abante sa opening quarter ay nilimita ng Bulldogs ang Falcons, nalasap ang kanilang ika-siyam na sunod na kamalasan, sa isang basket sa kabuuan ng second period para kunin ang 42-16 kalamangan sa halftime.
NU 71 – Alolino 14, Khobuntin 12, Aroga 7, Rosario 6, Betayene 6, Javelona 6, Celda 6, Diputado 5, Alejandro 3, Neypes 3, Perez 2, Salim 1, Atangan 0, Cauilan 0.
Adamson 50 – Trollano 15, Rios 10, Inigo 7, Nalos 7, Garcia 6, Aquino 3, Ochea 2.
Quarterscores: 18-14; 42-16; 59-28; 71-50.
Ateneo 78 – Newsome 23, Ravena 16, Pessumal 13, Elorde 11, Gotladera 11, Babilonia 2, Capacio 1, T. Ravena 1, A. Tolentino 0,.
UE 73 – Mammie 15, Sumang 10, Varilla 8, De Leon 8, Olayon 7, Alberto 7, Jumao-as 7, Arafat 4, Palma 3, Galanza 2, Javier 2, Guiang 0.
Quarterscores: 15-11; 35-32; 54-51; 78-73.
- Latest