Batang Gilas talo sa Greece

DUBAI -- Nalasap ng Team Philippines ang ka­nilang ikalawang sunod na ka­malasan nang matalo sa Greece, 65-85, sa FIBA U17 World Championship no­ong Sabado ng gabi sa Al Shabab Arena.

Hindi nakaiskor ang Ba­tang Gilas sa kabuuan ng third quarter na nagpalasap sa kanila ng 0-2 marka.

Kinuha ng mga Pinoy ca­gers ang 9-2 abante mu­la kina Jolo Mendoza at Mike Nieto sa pagsisimula ng laro bago kumamada ang mga Greeks.

Ang pananahimik ng Batang Gilas sa third period ang nagbigay sa Greece ng 63-33 bentahe patungo sa fourth quarter.

Greece 85 – Pefanis 26, Koniaris 14, Ntouzidis 9, Flionis 6, Michaloutsos 6, Skordas 6, Kamaras 5, Diploras 4, Mouratos 4, Mi­lentigievits 2, Chara­lam­popoulos 2, Papagia­nnis 1.

Philippines 65 – Men­do­za 19, Nieto 11, Dela Cruz 9, Go 7, Desiderio 6, Es­coto 4, Navarro 4, Abadeza 2, Dario 2, Padilla 1, Panlilio 0.

Quarterscores: 25-17; 46-26; 63-33; 85-65.

 

Show comments