MANILA, Philippines - Walang nakikitang problema si Floyd Mayweather Sr. sa ipamamalas sa ring ng anak na si Mayweather Jr. sa susunod na taon.
Sa Mayo 2015 posibleng gawin ang pinakahihintay na pagtutuos ng dalawang tinitingalang boxers sa kapanahunang ito, ang pagtatapat nina Mayweather at pambato ng Pilipinas na si Manny Pacquiao.
Edad 38 na si Mayweather sa susunod na taon at 36 naman si Pacquiao at may mga nagkomento na hindi na ganoong kainit ang tao sa labang ito kumpara sa mga nagdaang taon dahil bababa na ang lebel ng kanilang pagbo-boxing bunga ng pagtanda.
Hindi naman sang-ayon dito ang nakatatandang Mayweather lalo na sa magiging kondisyon ng anak.
“It could take effect on you at any time, but you’ve got to realize one thing, most of those guys in boxing today have took beatings. Little Floyd, he hasn’t really taken no reall beatings, you know. He isn’t got hit in his eyes and stuff,” wika ni Mayweather sa On The Ropes Boxing.
Si Pacquiao ay napatulog na sa kanyang career hindi lamang isa kundi tatlong beses at dahil dito, nakikita ni Mayweather na magdodomina ang kanyang anak na hindi pa natatalo sa ring.
“The way he got knocked cold by a man that much older than him--hey I mean, what can you say? There isn’t too much to be said, he’s done,” patutsada nito kay Pacman.
Kaya kung matuloy ang pinakaaasam na laban, nakikita ng ama ng American boxer na one-sided fight ito para sa kanyang anak.
Makakasukatan uli ni Mayweather si Marcos Maidana sa rematch habang si Chris Algieri ang makakatapat ni Pacquiao sa kanilang ikalawang laban sa taon.