Smart Phl Taekwondo League sisipa ngayon

MANILA, Philippines - Hahataw ngayon hanggang bukas ang 2014 Smart Philippine Taekwondo League sa dalawang SM malls tampok ang mga top teams mula sa Philippine Taekwondo Association-affiliated schools, colleges at universities.

Sinabi nina Commissioner Monsour del Rosario at tournament director Stephen Fernandez na itatampok sa event ang isang special round na tinatawag na “Tag round” kung saan ang isang koponang may 10 atleta ay puwedeng magkaroon ng unlimited substitutions sa isang 5-minute round at ang tropang makakaiskor ng pinakamataas na puntos ang mananalo.

Kabuuang 12 matches ang isasalang bukas sa SM Valenzuela at sa SM Novaliches--tatlo sa senior men, tatlo sa senior women, apat sa junior men at dalawa sa Cadet boys.

Sa Linggo sa SM Fairview ay may kabuuang 11 matches--lima sa senior men at anim sa senior wo­men.

Ang mga maglalaban bukas sa senior men ay ang Mapua laban sa Letran, ang UPHCR kontra sa EAC at ang SBC katapat ang UP.

Sa senior women  ay magtatagpo ang Arellano at ang NU, ang FEU kaharap ang SSCR at ang FEU kalaban ang SBC

Sa junior men ay magsasagupa ang ESS at SSA, ang DPS kontra sa DLSZ, UE vs SSCR at ang DLSZ laban sa ESS Sa cadet boys ay magkikita ang Letran at OLOPS at ang LSGH kontra sa DPS.

Show comments