_ngayon
^

PSN Palaro

Fernandez isinalba ang Pinoy boxers, sumuntok ng gold sa Sri Lanka boxingfest

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinigay ni Mario Fernan­dez ang ginto sa Pambansang koponan na naglaro sa Lion’s Cup International Boxing Tournament sa Colombo, Sri Lanka.

Tinalo ni Fernandez si Yu Che Li ng Chinese Taipei sa bantamweight division upang pawiin ang kabiguan nina Clark Bautista at Nesthy Petecio na umabante rin sa Finals sa kanilang  dibisyon.

Si Bautista ay yumuko kay home town bet Anuruddha Rathnayake sa flyweight division habang talunan si Petecio ni Tassmalee Thongjan ng Thailand sa women’s flyweight class.

Naghatid ng bronze me­dal si Eumir Felix Marcial upang magkaroon ng disenteng pagtatapos ang Pambansang koponan na inilahok ng ABAP at suportado ng PLDT.

Sina Rogen Ladon at Irish Magno ang kumumpleto sa anim na boxers na ini­laban ng bansa at nabigong maghatid ng medalya.

Ang host Sri Lanka ay nagpasiklab nang kilalanin bilang overall champion sa hinablot na limang gintong medalya sa sampung weight divisions na pinaglabanan.

Ang Thailand, Australia, Korea at Kenya ay natulad sa Pilipinas na may tig-isang gintong medalya.

ANG THAILAND ANURUDDHA RATHNAYAKE CHINESE TAIPEI CLARK BAUTISTA CUP INTERNATIONAL BOXING TOURNAMENT EUMIR FELIX MARCIAL IRISH MAGNO MARIO FERNAN NESTHY PETECIO SRI LANKA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with