Power Pinays yumuko sa Japan

MANILA, Philippines - Nakalasap ang PLDT Home TVolution Philippines ng 25-7, 25-13, 25-12 ka­biguan sa mga kamay ng title contender na Hisamitsu Spring Japan na tuluyan nang nagpatalsik sa kanila sa 2014 Asian Women’s Club Volleyball Championship sa Nakhon Pathom, Thailand.

Dahil dito, lalaban na lamang ang Po­wer Pinays, nakapasok sa quarterfinals ng pumang-anim sa six-team Group B bitbit ang 2-3 (win-loss) record, sa conso­lation pool kung saan posible silang pumuwesto sa pang-lima hanggang pang-walo.

Hangad ng Power Pinays na malampasan ang seventh-place finish ng Power Pinoys sa nakaraang Asian Men’s Club Championship na idinaos sa MOA Arena sa Pasay City.

Lalabanan ng Power Pinays ang ma­tatalo sa pagitan ng Zhetyssue Almaty Kazakhstan at Lien Viet Post Bank Vietnam.

Show comments