Wang’s Ballclub, Fatima umukit ng panalo

MANILA, Philippines - Kaagad na nagpakitang gilas ang Wang’s Ball­club upang pataubin ang Polytechnic University of the Philippines, 109-77, para sa una nitong panalo sa 2014 MBL Open basketball championship sa Lumera Tower sa Legarda, Manila.

Sa pamamahala ni­na coach Pablo Lucas at ma­nager Alex Wang, ang Mandaluyong-based team ay bahagya lamang pinagpa-wisan bago tulu­yang winalis ang mas na­­ka­­babatang PUP side sa naturang kumpetisyon na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Buil­ders, Dickies Underwear, PRC Couriers at Zucchero Sports Bar.

Sa ikalawang laro,  pi­na­bagsak ng Our Lady of Fatima University ang NAASCU champion Centro Escolar University, 78-73, para itabla ang kanilang record sa 1-1 panalo-talo.

Sina JJ Mallari, Adrian Gallardo at Joseph Marquez ay nag-combine sa 39 puntos upang pangunahan ang Fatima nina coach Ralph Emerson Rivera at assistant coach Noli Mejos.

Show comments