Pacquiao gagamitin kay Rios ang estratehiyang nagpatumba kay Hatton

MANILA, Philippines - Plano ni Manny Pacquiao na muling gawin ang estra­tehiyang nagpabagsak kay Ricky Hatton sa kanyang pag­sagupa kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios.

Sa naturang laban ay pinatumba ni Pacquiao si Hatton sa 2:59 ng second round para agawin sa Briton ang su­ot nitong International Boxing Organization (IBO) light wel­terweight crown noong Mayo 2, 2009 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

“My gameplan for Rios will be similar to the one I had with Ricky Hatton,” sabi ni Pacquiao sa isang panayam. “That fight didin’t go long enough for me to unveil everything.”

“Maybe this time I’ll be able to show more of that plan. Maybe,” wika ni ‘Pacman’ sa kanyang pagharap kay Rios sa Nobyembre 24 sa The Venetian sa Macau, China.

Kumpiyansa si Hatton na tatalunin ni Pacquiao si Ri­os kasabay ng pagbangon mula sa dalawang sunod na kabiguan kay Timothy Bradley, Jr. noong Hunyo 9 at kay Juan Manuel Marquez noong Disyembre 8, 2012.

“Brandon Rios comes to fight, and if he comes to fight Manny it could then go all wrong,” ani Hatton. “I do think it’s gonna be a tough night for Manny, but I also think he’ll come back with a victory.” 

Ngunit naniniwala rin ang dating world champion ng Great Britain na nalalapit na ang pagreretiro ng 34-anyos na Filipino world eight-division champion.

“Manny has a lot of hard fights, he’s gone through a lot of weight divisions and he’s had a very long career, so I personally think the writing is on the wall for Manny,” sa­bi ni Hatton.

Show comments