Iloilo 4th lang

MANILA, Philippines - Pinatunayan ng Canfield Little League ng Ohio na mas mahusay sila sa Iloilo Province nang kunin ang isa pang dikitang 3-2 panalo at okupahin ang ikatlong puwesto sa Junior League Baseball World Series na natapos noong Sabado sa Kirkland, Washington.

Sinandalan ng Canfield ang walk-off double ni Amelia Manenti para patunayan na ang 1-0 panalo sa Iloilo na nangyari sa Pool A elimination ay hindi tsamba.

Hiniya naman ng Tampa Bay Florida ang host Kirkland, 10-1, para hirangin bilang kampeon ng edisyon.

 

Show comments