PDA itinakda ang 3 dartfest

MANILA, Philippines - Magsasagawa ng tat­long magkakahiwalay na darts competition ang Phi­lippine Dart Association na tatawaging “Awesome August Dart Fest” sa Tres Marias Dart Pub.

Paglalabanan rito ang P13,000 premyo at gagawin ito sa Agosto 21, 26 at 28 sa palaruang matatagpuan sa Gen. Malvar St. sa kanto ng Agoncillo, Malate, Manila.

Ang labanan sa Agosto 21 ay tatawaging Manny Ballesa Cup at magtataya ng P5,000 premyo habang ang labanan sa Agosto 26 ay Open singles at may P3000 premyo. Sa Agosto 28 ay Open Classified Doubles na makikilala rin bilang Reggie Francisco Cup at magtataya ng P5,000 gantimpala.

Si Jose Luis Ballesca ang tournament organizer kasama sina Darts Council of the Philippines directors Errol Magtubo, Logie Estacio at Bel Umali at ang mga sponsors ay si Jojo Claudio ng Toby’s Sports and Targets Darts at Steve Dorotheo ng Monster Darts na siyang nagbigay ng mga  gamit sa kompetisyon.

Ang registration ay magsisimula sa ganap na alas-8 ng gabi.

 

Show comments