Reyes umani ng papuri sa Twitter

MANILA, Philippines - Binaha ng mga papuri mula sa kanyang mga kap­wa head coach sa Philippine Basketball Association si mentor Chot Reyes matapos igiya ang Gilas Pilipinas sa 2014 FIBA World sa Spain.

Isa na dito ay si Tim Cone ng San Mig Coffee.

“Ultimately, all the credit goes to @coachot who had the vision, put it all together, and stuck with it to the end. The consummate leader,” wika ni Cone sa kanyang official Twitter account na @manilacone.

Si Reyes ang na­ging assistant ni Cone sa kanilang pagsasama sa Alaska at sa 1998 PBA Centennial Team.

Hindi rin naitago ni Yeng Guiao ng Rain or Shine ang kanyang kasiyahan.

“I just feel that this is one historic moment we should all savor,” ani Guiao. “We congratulate all the people responsible, kay MVP (Manny V. Pangilinan), ang PBA, lahat ng board of directors, lahat ng team owners, ang coaching staff, kay coach Chot Reyes, ang lahat ng mga players, lahat ng taong nagdasal, lahat ng taong nanood, lahat ng taong nag-cheer na nagbigay ng kanilang lakas, nagbigay ng kanilang panahon para masuportahan ang ating Philippine team.”

Ipinagyabang naman ni dating Barangay Ginebra mentor Alfrancis Chua ang kanyang pagiging Pinoy.

“Congrats gilas! Mabuhay pilipinas! Iba talaga ang PINOY!!!!,” wika ni Chua sa kanyang Twitter account na @alfrancischua.

 

 

Show comments