Private plane nagkaaberya biyahe ni James sa China na-delay

MANILA, Philippines - Halos isang oras pinaghintay ni NBA superstar LeBron James ng Miami Heat ang media para sa kanyang press conference sa Shangri-La sa Makati City at dalawang oras naman siyang inabangan ng kanyang mga fans sa MOA Arena sa Pasay City noong Martes.

Kahapon ng umaga, si James naman ang naghintay para makaalis siya ng Pilipinas.

Hindi kaagad nakaalis ng halos isang oras ang private plane na Gulf Stream 5 ng four-time NBA Most Valuable Player sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa problemang teknikal.

Ipinagbigay-alam ng pilot ng Gulf Stream 5 sa ground control staff ng NAIA ang nangyaring problema.

Nakatakda sanang umalis ang private plane ng 28-anyos na si James ganap na alas-8:45 ng umaga at nakalabas ng bansa ng alas-10:15.

“What a great experience here in Manila Philippines!! Thanks for welco­ming me with open arms, will never forget it #WitnessHistory #Inspire,” sabi ni James sa kanyang Twitter account.

Dumating si James sa bansa noong Lunes ng hapon.

Show comments