^

Entry by numbers pa lang ang hawak ng POC, PSC para sa SEAG

Angeline Tan (Pilipino Star Ngayon) - July 23, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nagpatala ang Pilipinas ng 526 atleta para ilahok sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre.

Ngunit bago umalma ang lahat, nilinaw kahapon ni PSC Chairman Ricardo Garcia na ang bilang na ito ay entry by numbers lamang at malayo ito sa aktuwal na ma­giging bilang ng delegasyon sa 2013 SEA Games.

“There are a number of  NSAs who are still lobbying for their athletes for their inclusion to  the SEA Games. So what we did was to send the number but we maintain our position that we will field 200 or less athletes,” wika ni Garcia.

Magkakaroon pa ng one-on-one meeting ang mga NSAs at ang Task Force na pinamumunuan nina Garcia at POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. at kai­langang makumbinsi ng mga NSAs na palaban sa ginto ang kanilang atleta para makatiyak ng tiket sa delegasyon.

Ang football ay nangunguna sa nagsususog na sila ay ipadala sa Myanmar SEA Games bagamat wala pang naipapanalong torneo ang Under 23 team.

Nagpasok naman ang swimming association ng 76 bilang ng atleta na iki­nagulat ni Garcia.

“Kung saan nila kinuha ito ay hindi ko alam. Kaya nga kailangang i-justify nila ang ipinapasok nilang atleta at kumbinsihin kami na lalaban sila sa ginto,” sabi ni Garcia sa swimming association.

 

CHAIRMAN RICARDO GARCIA COJUANGCO DISYEMBRE GARCIA KAYA MAGKAKAROON MYANMAR SOUTHEAST ASIAN GAMES TASK FORCE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with