^

2013 Philippine Super Liga invitationals Rising Suns, Lady Troopers nanaig

Angeline Tan (Pilipino Star Ngayon) - July 11, 2013 - 12:00am

Laro Bukas

(The Arena,

San Juan City)

2 p.m. PLDT-MyDSL

vs Cagayan Valley

4 p.m. Petron

vs TMS-Army

6 p.m. PCSO-Bingo Milyonaryo vs Cignal

MANILA, Philippines - Pinawi ni Joy Benito ang dalawang errors sa de­ciding fifth set para balikatin ang 16-25, 25-18, 20-25, 25-15, 15-13 panalo ng Cagayan Valley kontra sa PCSO-Bingo Milyonaryo sa Philippine Super Liga In­vitational kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Tumapos ang 2009-2010 NCAA MVP na si Be­nito na taglay ang 18 puntos at ang ika-15 at 16 kills niya sa laro ang bumasag sa 13-13 pagkakatabla para ibigay sa Lady Ri­sing Suns ang ikalawang su­nod na panalo.

Bago ito, nagkaroon ng dalawang errors si Benito na ang una ay nagresulta pa­ra makalamang ang Bingo Milyonaryo, 11-10, at ang huli ay para makatabla sa 13-13 ang kalaban.

May 18 puntos si Joy Ca­ses, habang 12 ang gi­nawa ni Sandra delos San­tos para sa Cagayan na naunang nagwagi sa TMS-Army.

Tumapos si Michelle Gu­mabao taglay ang 19 puntos, habang sina Ste­­pha­nie Mercado, Ivy Remul­l­a at Michelle La­borte ay may 11, 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasu­nod.

Sinamantala naman ng TMS-Philippine Army ang 38 errors ng Cignal para kunin ang 25-22, 25-15, 25-27, 25-18 panalo sa unang laro.

May 16 puntos si Nerissa Bautista, habang ang lahat ng 15 puntos ni Joanna Bunag ay mula sa mga kills para katampukan ang pangingibabaw ng La­dy Troopers sa Cignal na bumaba sa 1-1 karta.

“Bumaba ang morale ng team noong natalo kami sa Cagayan Valley. Pero mas maganda ang inilaro ni­la at ang sinabi ko lang sa kanila ay i-maintain ang mo­mentum,” wika ni TMS-Army head coach Rico de Guzman.

May 21 kills tungo sa 24 hits si Venus Bernal para pa­munuan ang natalong ko­ponan.

BINGO MILYONARYO CAGAYAN VALLEY CIGNAL IVY REMUL JOANNA BUNAG JOY BENITO JOY CA SAN JUAN CITY SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with